Nag-alay ng nakakakilig na mensahe ang host na si Ion Perez para sa kaarawan ng kanyang asawa na si Vice Ganda.
Trong chương trình buổi trưa với ‘It’s Showtime’, bạn sẽ chọn 46 kaarawan ang ‘Unkabogable Star’ ở Marso 31.
Isa naman sa mga nag-iwan ng mensahe sa harap ng madlang pipol si Ion.
Ayon kay Ion, bukod sa lover at partner niya si Vice, itinuturing din niya ito bilang kanyang bestfriend.
Aniya, panalangin niyang mabigyan pa sila ng mahabang buhay upang makasama pa nila ang isa’t isa ng matagal.
“Araw-araw naman niyang naririnig [mula] sa akin ito kasi sa tuwing magdarasal kami, lagi kong ipinagdarasal talaga na bigyan pa kami ng mahabang panahon para magsama,” pahayag ni Ion.
Ipinangako pa ni Ion na mamahalin niya si Vice ng buong puso at tapat.
“At siguro, ang masasabi ko sa ‘yo, babe, paulit-ulit kitang pipiliin. Kahit sa kabilang-buhay, baka ikaw yung piliin ko pa rin. Ang maipapangako ko lang, yung buong pusong pagmamahal ko sa ‘yo at tapat.
“Yun lang, babe.Thank you, babe, I love you,” dagdag ni Ion.
Samantala, mahahalata na sobrang kinikilig si Vice sa mensahe ng asawa dahil makikita sa kanyang mukha ang malaking ngiti.